E-COMMERCE/DIGITAL MARKETING APPRECIATION SEMINAR WORKSHOP MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BAYAN NG BALER
Matagumpay
na isinagawa nitong Biyernes sa pangunguna ni Baler mayor Nelianto Bihasa
kasama ang ilang LGU officials ang hinggil sa E-Commerce/ Digital Marketing
Appreciation Workshop, na isinagawa sa AMCO Beach Resort, Brgy Sabang Baler
Aurora.
Sa
pamamagitan nito, binigyang pansin ang kahalagahan at kakayanan ng mga negosyo
gaya ng mga souvenir shop, at mga transient o bahay tuluyan, na makapag market
sa pamamagitan ng online services o gamit lamang ang internet upang maipakilala
ang isang produkto o serbisyo.
Mapapadali
rin ang transaksiyon sa pag bebenta ng isang produkto gamit lamang ang internet
kahit nasa opisina o bahay lamang ang isang negosyante.
Ang
programang ito ay isa sa mga pinondohan
ng Department of Interior and Local Government-DILG, sa ilalim ng
Bottoms Up Budgeting- BUB program ng ahensiya.
Isa
rin ito sa mga proyekto ng Department of Trade and Industry DTI-Aurora katuwang
ang Local Government Unit -LGU ng Baler.
Samantala,
ang nasabing gawain ay pinamunuan ni Joseph Gonzales, mula sa ASCOT,
Information and Communication Technology Center.
(SPIRIT FM NEWS)
Comments
Post a Comment