Mga Senior Citizen sa bayan ng Baler, tumanggap ng Social Pension

Tumanggap ng social pension ang mga senior citizen sa bayan ng Baler, mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Aurora governor Gerardo A. Noveras.

Ito ay naglalayong matulungan ang mga katandaan sa pamamagitan ng pag bibigay ng ayudang tulong dahil halos karamihan sa mga ito ay wala ng sapat na kakayanan upang makapag trabaho pa.

Pinangunahan ni Baler mayor Nelianto Bihasa ang gawain noong ika 24 ng Nobyembre kasama ang ilang councilors ng bayan, Provincial Social Welfare Development Office- Representative Ellen Olivar, MSWDO officer Yolanda Angara, at Baler PNP Chief Bartolome Antolin.
(Spirit FM News)

Comments