National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nagsagawa ng seminar workshop hinggil sa mga gawain ng ahensiya




Matagumpay na isinagawa kahapon ang seminar workshop na nilahukan ng mga mag aaral sa kolehiyo mula sa may 13 paaralan sa Nueva Ecija, kasama ang ilang miyembro ng media at mga panauhing tagapag salita mula sa DOE, NGCP, at ilang mambabatas.
Tinalakay sa nasabing gawain ang pag papahusay sa kasanayan, at epektibong pamumuno at pag kakaisa ng kabataan upang tuluyang labanan at wakasan  ang lumalalang usapin at  problema sa climate change na nakakaapekto  hindi  lamang sa bansang Pilipinas maging sa iba pang bahagi ng mundo.
Sa panig ng Department of Energy DOE, nagbigay rin ng mensahe at pananalita si Crisaldo Santos, kung saan tinalakay nito ang pag papadaloy  ng elektrisidad, na malaki rin ang nagiging epekto ng climate chage.
Dahil dito kayat patuloy na hinihikayat ang bawat isa mula sa mga kabataan, media, mga ahensiya ng pamahalaan, pribado o pam publikong tanggapan na magkaisa upang labanan ang patuloy na pag babago ng panahon, na malaki ang nagiging epekto hindi lamang kabuhayan maging sa buhay ng mga tao
-Spirit FM News 

Comments