National Reading Month isinagawa sa Baler Central School

Ginugunita ngayong buwan ang National Reading Month ng Department of Education DepEd  bilang pag alala sa kaarawan ng yumaong si Sen. Benigno Aquino kahapon.

Naka sentro ang mga aktibidad sa pagbasa, base sa tema ngayong taon na “Nasa Pagbasa Ang Pagasa”, Na sumisimbolo sa pag papahalaga ng dating senador sa pag babasa ng mga libro, na nakapaloob sa 10 agenda ng Aquino Administration.

Ayon sa punong guro ng Baler Central School na si Abelardo Aquino, malaki ang kahalagahan na naibibigay ng pagbabasa sa buhay ng isang tao, dahil napupuno nito ng maraming kaalaman ang isip ng mga kabataang mag aaral sa kanilang pag unlad.

Sa pamamagitan din anya ng programang ito ng DepED ay mas nabibigyan nila ngayon ng pansin at napag lalaanan ng panahon ang mga mag aaral na hirap paring bumasa at sumulat.
(Spirit FM News)

Comments