OBP, NAMIGAY NG AKLAT SA MGA MAG-AARAL SA CASIGURAN


Namahagi ng aklat para sa mga mag aaral ng elementarya ang Operation Blessing Philippines (OBP), na isinagawa sa tatlong paaralan sa bayan ng Casiguran, Aurora. Ito ang Calabgan, Dibet, at Dibacong Elementary School.
Dahil dito, lubos ang naging pasasalamat ng punong guro, at mga guro ng nasabing mga paaralan sa pagkakaroon ng mga gamit ng mga bata.
Natuwa rin ang mga munting mag-aaral sa ipinagkaloob na superbook sa bawat isa.
Ang mahalaga ayon sa mga guro ay nakikita na nilang masayang muli ang kanilang mga estudyante matapos ang tromang inabot dahil sa bagyo.
Ayon pa sa mga ito, simula ng magbukas muli ang klase ay bibihira na nilang makitang masigla ang mga bata.
Ayon naman sa grupo, makakatulong ng malaki ang ipinamigay na aklat dahil sa pamamagitan ng Superbook ay tatanim sa kanila ang bawat salita ng Diyos, at tuluyang manunumbalik ang sigla, pag asa, at pagiging masayahin. (Spirit-FM News)

Comments