PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG AURORA, NAMAHAGI NG MGA KAGAMITAN SA MGA MANGINGISDA


Namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora sa pangunguna ni Governor Gerardo A. Noveras ng mga kagamitang makakatulong para sa mga kababayang mangingisda.
Life jacket, tamsi at marami pang iba ang ipinagkaloob ng Pamahalaan sa mga mangingisda mula sa bayan ng Baler at Dipaculao, Aurora.
Apela naman ng mga mangingisda, sana ay matulungan din sila na mabigyan ng bangka dahil karamihan sa kanilang gamit ay nasira na sanhi ng nagdaang bagyo.
Ayon naman kay PFARO Officer Victorio F. San Pedro JR., nag sumite na ang kanilang tanggapan sa National Office para humingi ng tulong upang matugunan ang kahilingan ng mga mangingisdang labis na nawalan ng kabuhayan.
Sa ngayon anya ay hindi pa sapat ang pondo nila para dito, kayat hindi muna matutugunan ang karagdagang bangka na hinihingi ng mga ito. (Spirit-FM News)

Comments