Piliin
lamang ang mga produktong may PS Mark o Product Standard sa pag bili ng ano
mang gamit partikular sa mga materyales
na mabibili sa mga hardware.
Ito
ang isa sa pag titiyak ng DTI-Aurora upang makasiguro sa kalidad, tibay, at
pagsusuri sa isang produkto para sa kaligtasan ng mga mamimili.
Una na
rito, nagbigay na ng babala ang ahensiya sa mga hardware at construction supply
stores na mag tinda lamang ng mga produktong may PS Mark.
Pinapayuhan
rin ang mga mamimili na maging mapanuri sa bawat bibilihing kagamitan na isa sa
mga tinatalakay bilang bahagi ng Consumer Rights and Consumer Responsibilities
na isinasagawa sa bawat bayan sa lalawigan.
Kaugnay
nito, wala namang napaulat na pag taas sa presyo ng mga pangunahing materyales
sa pag gawa ng bahay matapos ang bagyo.
Comments
Post a Comment