PRESYO NG NIPA PRODUCT TUMAAS SA BAYAN NG BALER



Tumaas ng piso hanggang dalawang piso ang presyo ng pawid o nipa product sa bayan ng Baler matapos ang bagyo.

Ayon sa mga mamimili, tila sinasamantala umano ng mga negosyante nito ang demand sa supply ng nipa dahil halos karamihan sa mga bahay o rest house ay nasira.

Pahirapan din umano ang pag order ngayon depende sa dami ng gagamitin o bibilihin. 

Kumpara anila sa mga kagamitang mabibili sa mga hardware, ay mas malaki  ang matitipid nila kung nipa ang kanilang gagamitin para makapag tayong muli ng mga nasirang bahay.

Sa panayam naman ng CMN News sa mga gumagawa ng pawid, hindi naman anila lingid sa mga ito, na maraming nasirang taniman at pananim na nipa  matapos ang pag tama ng bagyo at sadyang matatagalan pa bago muling makapag ani.

Bukod sa bayan ng Baler, tumaas rin ang presyo nito sa bayan ng Casiguran Aurora.
(Spirit FM News)

Comments