San Luis PNP namahagi ng calling cards at flyers kontra akyat bahay ngayong kapaskuhan



Namahagi ng flyers kontra akyat bahay ang mga tauhan ng Sn Luis police station sa mga tindahan,kabahayan maging sa mga establisimiento sa bawat brgy sa bayan ng  Sn Luis Aurora.
Layunin nito na unti-unting mabawasan ang ilang serye ng nakawan gayundin ang makapag bigay ng sapat na impormasyon, babala at mga dapat gawin sa sandaling mabiktima ng masasamang loob.
Puspusan rin ang pamamahagi ng ahensiya ng calling cards upang kaagad na makatawag sa himpilan o ma ireport  kung may insidente na ng nakawan at iba pang uri ng krimen.
Ngayong papalapit na kapaskuhan, pinapayuhan rin ang mga mamamayan na mag ingat hindi lamang sa mga akyat bahay, maging sa mga salisi gang na madalas na nakakapang biktima sa matataong lugar gaya ng department store o supermarket, pamilihan o paaralan.
Ang gawain ay isinusulong ng Sn Luis PNP bilang bahagi ng programa ng kapulisan sa lalawigan ng Aurora.
-Spirit FM News

Comments