TREE PLANTING ACTIVITY ISASAGAWA NG MGA MAG AARAL SA BALER CENTRAL SCHOOL

Magsasagawa ng tree planting ang mga mag aaral ng Baler Central School, bilang pakikibahagi sa National Tree Planting Activity ng pamahalaan bilang pagsunod sa Memorandum Decree No 165-2013.

Isasagawa ang nasabing gawain sa paligid mismo ng paaralan, sa ilalim ng tema ngayong taon na TAYO PARA SA EDUKASYON, TAYO PARA SA KALIKASAN, bilang pakikiisa sa pangangalaga sa inang kalikasan.

Ayon sa punong guro-Abelardo Aquino, napili nila na sa loob na mismo isagawa ang pag tatanim ng mga puno upang patuloy nila itong maalagaan.

Magtatanim ng 3 puno ang bawat batang mag aaral, bilang bahagi ng pakikiisa sa National Greening Program ng Pamahalaang Aquino.
(Spirit FM News)

Comments