VAN NAWALAN NG KONTROL, BUMALIKTAD SA AGUANG BRIDGE SA BALER AURORA

Nahulog ang isang sasakyan, matapos na mawalan  ng kontrol habang binabaybay ang kahabaan ng Aguang Bridge, Brgy Reserva Baler Aurora, nitong araw ng Sabado.

Ayon sa driver ng sasakyan na si  Enrile Cosme, 28 taong gulang, at residente ng Baguio City, sinubukan nitong mag overtake sa dalawang kasunod na tricycle, ng mawalan ito ng kontrol, sanhi upang bumaliktad ito sa gilid ng kalsada.

Madulas din anya ang kalsada sanhi ng pag ulan.

Masuwerte namang hindi nasaktan ang sakay nito, na nakilalang si Angela Rutas, 20 taong gulang mula sa bayan ng Baler.
(SPIRIT FM NEWS)

Comments