Vice mayor Karen Angara-Ularan pinangunahan ang pamamahagi ng munting regalo para sa mga batang mag aaral ng Day Care

Pinangunahan ni vice mayor Karen Angara-Ularan ang pamamahagi ng mga munting regalo para sa mga mag aaral ng Suklayin at Calabuanan Day Care Center.
Bukod dito, nagbigay rin ng kasiyahan ang grupo sa mga bata, na labis namang pinasalamatan ng mga guro at magulang ng mga mag aaral.
Ayon sa bise alkalde, ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng walang sawang pag tulong at patuloy na suporta mula sa ilang pribadong tao o kumpanya sa kanilang tanggapan.
Nagpasalamat din ito sa mga brgy LGUs para sa koordinasyon sa nasabing gawain.

(Spirit FM News)

Comments