2 LALAKING PINAGHIHINALAANG TULAK NG ILEGAL NA DROGA, HULI SA BUY BUST OPERATION SA BAYA NG DIPACULAO AURORA

Timbog ang dalawang lalaking pinag hihinalaang tulak ng ipinag babawal na droga sa bayan ng Dipaculao Aurora.

Ang mga ito ay kinilalang sina Rex Castillo, 25 taong gulang at resident eng Brgy Dinadiawan Dipaculao Aurora at si Jonathan Sagun alyas Atan, 45 taong gulang at residente rin ng nabanggit na brgy at bayan.

Base sa isinagawang buy bust operation ng Dipaculao Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group sa pangunguna ni PSINP Ferdinand Usita, nakuha sa mga ito ang 2 lighter, 5 sachet ng shabu, isang 500 peso na ginamit bilang marked money, at isang Suzuki multicab na plate # CMV-551.

Sa ngayon nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

At kasalukuyang nakapiit na ang mga ito sa Dipaculao Municipal Jail.


(Spirit FM News)

Comments