64 NA NOISY MODIFIED MUFFLER, SINIRA NA KAHAPON!

Hindi na mapapakinabangan pa ang may 64 na noisy modified muffler o maiingay na tambutso  ng motorsiklo , matapos na sirain ito sila kahapon sa harap mismo ng Baler Municipal Plaza.

Pinangunahan ni Baler mayor Nelianto Bihasa ang pagsira sa mga nasabing maiingay na tambutso, na nakumpiska ng mga tauhan ng Baler PNP, bilang tanda ng seryosong kampanya ng kapulisan at pamahalaang bayan, na sugpuin ang mga pasaway na driver na matagal ng sakit ng ulo ng mga mamamayan.

Ito ay bilang pagtalima sa Municipal Ordinance No. 027-2014 o mas kilala bilang  "The Anti Muffler Modification Ordinance of 2014",
Sinaksihan ito ng ilang kawani, at miyembro ng Sangguniang Bayan, miyembro ng kapulisan at media.

Kaugnay nito, nagbabala rin ang Pamahalaang Bayan, sa mga mag bebenta at nag bebenta ng mga modified muffler hinggil sa karampatang parusa na kahaharapin ng mga ito.
(Spirit FM News)

Comments