CASIGURAN PNP, HANDA NA NGAYONG KAPASKUHAN PARA SA PAG DAGSA NG MGA TURISTA



Handa na ang Casiguran PNP para sa pagdagsa ng mga magbabakasyong turista ngayong kapaskuhan.

Ito ang pag titiyak ng ahensiya, sa pamamagitan ng programang “Ugnayang Pulisya at Mamamayan” nitong Miyerkules.

Dahil dito, nagtalaga na ng tourist assistance desk para sa mga mag babakasyon sa nasabing bayan, na siya namang aalalay sa mga bakasyonista at turista ngayong taon.

Dito maaaring humingi ng impormasyon pagdating sa usaping pangkaligtasan, sa pamamagitan ng mga ibinibigay na calling cards at flyers, mga tourist spots at iba pang maaaring maitulong mula sa tanggapan.

Mas pinaigting rin ang pag papatupad ng Lambat Sibat Program ng PNP, kasama na ang patuloy na paalala sa mga bisita, hinggil sa tamang pag iingat sa mga gamit partikular sa mga electronic gadgets na isa sa mga pinupuntirya ng mga kawatan.
(Spirit FM News)

Comments