E-COMMERCE/DIGITAL MARKETING APPRECIATION SEMINAR WORKSHOP MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BAYAN NG BALER

Matagumpay na isinagawa nitong Biyernes sa pangunguna ni Baler mayor Nelianto Bihasa kasama ang ilang LGU officials ang E-commerce/ Digital Marketing Appreciation Workshop, na isinagawa sa AMCO Beach Resort, Brgy Sabang Baler Aurora.

Sa pamamagitan nito, binigyang pansin ang kahalagahan at kakayanan ng mga negosyo gaya ng mga souvenir shop, at mga transient o bahay tuluyan, na makapag market sa pamamagitan ng online services o gamit lamang ang internet upang maipakilala ang isang produkto o serbisyo.

Mapapadali rin ang transaksiyon sa pag bebenta ng isang produkto gamit lamang ang internet kahit nasa opisina o bahay lamang ang isang negosyante.

Ang programang ito ay isa sa mga pinondohan  ng Department of Interior and Local Government-DILG, sa ilalim ng Bottoms Up Budgeting- BUB program ng ahensiya.

Isa rin ito sa mga proyekto ng Department of Trade and Industry DTI-Aurora katuwang ang Local Government Unit -LGU ng Baler.

Samantala, ang nasabing gawain ay pinamunuan ni Joseph Gonzales, mula sa ASCOT, Information and Communication Technology Center.
(Spirit FM News)

Comments