FIRE TRUCK NA KAHILINGAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG BALER, DARATING NA ANO MANG ARAW MULA NGAYON



Parating na anomang araw mula ngayon ang bagong firetruck na mula at ipinagkaloob ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 3 sa pangunguna ni DILG secretary Cenen Sarmiento para sa LGU Baler.

Ang bagong firetruck ay kahilingan ng Pamahalaang Bayan sa simula pa lamang ng panunungkulan ni mayor Nelianto Bihasa.

Dahil dito, labis din ang pasasalamat ng Beuru of Fire Protection BFP sa panibagong kagamitan, na makakatulong ng ahensiya  sa pag responde ng sunog, lalo na at may kalumaan narin umano ang gamit na firetruck ng ahensiya.

Ayon kay Fire Senior Inspector Ma. Leah Sajili, hindi lamang sa oras ng sunog ito makakatulong, kundi maging sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency cases.

Napaglaanan narin anya ng pondo ang pag sasaayos ng bagong paradahan sa tabi mismo ng tanggapan.
(Spirit FM News)

Comments