GENDER AND DEVELOPMENT SEMINAR OR WOMENS SUMMIT 2015 ISINAGAWA SA LALAWIGAN NG AURORA



Matagumpay na isinagawa sa bayan ng Casiguran Aurora ang seminar workshop hinggil sa Gender and Development o Womens Summit 2015 para sa mga kababaihan o womens federation.

Naging pangunahing panauhin si Aurora governor Gerardo A, Noveras kung saan dinaluhan ito ng nasa mahigit 200 partisipante mula sa ibat-ibang sangay ng Pamahalaan.

Sa nasabing programa, binigyan  ng pansin at pangunahing tinalakay ang  hinggil sa mga karapatan ng kababaihan, kasama na ang impormasyon sa mga karapatan ng kababaihan, deskriminasyon, maging ang Violence Against Women and Children o VAWC.
(SPIRIT FM NEWS)

Comments