KAUGNAY MEDIA DEFENSE CORP INCORPORATIONS (KMDCI) IPINAGDIWANG ANG KAUNA-UNAHANG ANIBERSARYO SA LALAWIGAN

Matagumpay na ipinagdiwang ng Kaugnay Media Defense Corp Incorporations (KMDCI), ang kauna-unahan nitong anibersaryo, na isinagawa sa lalawigan ng Aurora nitong Lunes.

Sa pangunguna ni Batallion Commander Joey Escanillas ng 56th Infantry Batallion ng Phil. Army, sa kanyang mensahe nagpasalamat ito sa lahat  ng mga mamamahayag sa buong Region 3, na personal pang nagtungo sa bayan ng Baler upang dumalo at saksihan ang nasabing programa.

Anya, sa pamamagitan ng pag kakaisa ng Media at Phil. Army, nakikilala pa ng husto ng mga mamamayan ang mga programa o gawain ng kanilang hanay, hindi lamang sa larangan ng pag papatupad ng kaayusan, kapayapaan at katahimikan, kundi ang mga adbokasiya ng pag tulong sa komonidad at mamamayan.

Kasabay nito, nanumpang muli ang mga halal na opisyal ng Kaugnay, sa pangunguna ng presidente nito mula sa Philippine News Agency- Jayson De Asis.
(Spirit FM News)

Comments