MAG LIVE IN PARTNER ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA BAYAN NG DILASAG AURORA



Arestado ang mag live in partner sa isinagawang buy bust operation na pinamunuan ni Police Inspector Dennis Balbuena ng Dipaculao Police Station.

Kinilala ang mga ito na sina Fredie Fajardo 38 taong gulang, at Juanita Mallao, 48 taong gulang na siya ring itinuturing na top 1 sa listahan ng mga drug personalities.

Naaresto ang dalawa sa loob mismo ng bakuran ng mga suspek sa Purok 2, Brgy Manggitahan Dilasag Aurora.

Nakuha sa mga ito ang 3 sachet ng shabu, kasama ang marked money  na ginamit ng nagsilbing asset  sa pag bili ng droga.

Sasampahan na ng kasong pag labag sa Republic Act 9165 ang dalawa,  o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at kasalukuyang nakapiit na ang mga ito sa Aurora Provincial Jail.
(SPIRIT FM NEWS)

Comments