Maria Aurora PNP, HANDA NA NGAYONG KAPASKUHAN PARA SA PAG DAGSA NG MGA TURISTA



Handa na ang Maria Aurora PNP para sa pagdagsa ng mga magbabakasyong turista ngayong kapaskuhan.

Ayon kay SPO4 Alfredo Corpuz na handa  ang kanilang ahensya sa pag dating ng kapaskuhan, upang bigyan ng siguridad ang mga turista na dadaan sa bayan ng maria Aurora. 

Dahil dito, magtatalaga  ng tourist assistance desk partikular Balete tree sa brgy Quirino sa nasabing bayan .   para sa mga mag babakasyon , na siya namang aalalay sa mga bakasyonista at turista ngayong taon. 

Dito maaaring humingi ng impormasyon pagdating sa usaping pangkaligtasan, sa pamamagitan ng mga ibinibigay na calling cards at flyers, mga tourist spots at iba pang maaaring maitulong mula sa tanggapan.

Mas pinaigting rin ang pag papatupad ng Lambat Sibat Program ng PNP, kasama na ang patuloy na paalala sa mga bisita, hinggil sa tamang pag iingat sa mga gamit partikular sa mga electronic gadgets na isa sa mga pinupuntirya ng mga kawatan.
(SPIRIT FM NEWS)

Comments