Mga mag aaral ng Borlongan National High school Pinasalamatan ang Dipaculao PNP



Pinasalamatan ng mga Mag aaral ng Borlongan National High school  ang pag bisita ng ni PSINS Ferdinand Usita, sa kanilang paaralan kahit ito ay may kalayuan upang ipakilala sa mga mag aaral ang kanilang bagong programang ADING-KU (Ayaw ng Dipaculao sa Ipinagbabawal na Gamot at Kriminalidad upang Umunlad).

Ayon kay  Alma Cabansag grade 7 student, na malaking tulong daw ito sa tulad nilang mga mag aaral upang hindi na masangkot sa mga  iligal na gawiin, mas natutunan din aniya  ang kanilang karapatan upang maipag patuloy ang kanilang nasimulan upang umunlad at maibangon ang kanilang pamilya sa kahirapan. 

Mas nalalapit din aniya ang kanilang  kalooban sa mga kapulisan at hindi na  natatakot na isumbong ang mga gumagawa ng mga masasamang gawain sa kanilang lugar.
Pangako naman nito sa kapulisan na hindi sila tatangkilik ng ipinag babawal na gamot at susunod sa progrma ng Kapulisan. 

Pahayag naman ni teacher Safiro Boutista, na nagiging agrisibo ang mga bata sa pag aaral, , dag dag nito  nakakatulong daw ang Programa ng PNP upang malayo sa mga masasamang gawain ang kanilang mga kabataan. 
(SPIRIT FM NEWS)

Comments