MSWD-LGU Baler, kagyat na namigay ng relief goods sa mga binaha

Kagyat na namigay ng tulong ang Pamahalaang Lokal ng Baler, Aurora sa Pamumuno ni Mayor Nelianto Pilot Bihasa sa mga nasalanta ng bagyong Nona sa Baler bagamat hindi dito ang sentro ng bagyo ay maraming lugar  ang lumubog sa baha dahil sa ulang dala ng bagyo nitong nakaraang mga araw.

Makalipas ang malawakang pagbaha agad na nagsagawa ng relief operation ang Municipal Development Social Welfare and Development Office (MSWDO) kasama ang ilang ahensya at miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Barangay Opisyal.

Ilan sa mga Barangay na nabigyan ng Relief Goods ay ang mga Brgy. ng Obligacion, Sitio Kinalapan, Sitio Dike ng Brgy. Zabali, Brgy. Reserva at Purok 5 Brgy. Sabang, Baler, Aurora. 

Kagyat din na nagkaloob ng Relief Assistance sa mga evacuees sa Municipal Building. Ito'y upang meron silang pagkain na mailuluto kaagad pagbalik nila sa kanilang mga bahay. 
(Spirit FM News)

Comments