PNP San Luis, patuloy sa pagbibigay ng tips kontra carnapping at akyat bahay



Patuloy sa pamimigay ng flyers at IEC materials ang mga tauhan ng San Luis Police Station sa mga residente ng San Luis, Aurora sa pangunguna ni PINSP Floriano B Garcia acting chief of police San Luis MPS.

Nais nitong makapagbigay ng mga tips upang maiwasang mabiktima ng carnapping at akyat bahay lalo na ngayong bakasyon at magbigay gabay sa mga motorcycle rider. 
(Spirit FM News)

Comments