POLICE REGIONAL OFFICE REGION 3, NAGSAGAWA NG RELIEF AND MEDICAL OPERATIONS SA BAYAN NG CASIGURAN AURORA

Nagsagawa ng  relief and medical operations ang Police Regional Office-PRO-3, sa mga mamamayan ng Casiguran Aurora na lubhang naapektohan ng nagdaang bagyo.

Tinatayang nasa isang libo at limang daang mga relief goods ang naipamahagi ng grupo, sa pangunguna ni Police Chief Superintendent  Rudy G. Lacadin-PRO-3 Regional Director.

Noodles, bigas, bottled mineral water, at mga de lata ang naipamahagi ng grupo, sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa Panlalawigang tanggapan ng Pulisya sa rehiyon, at sa tulong narin ng PRO-3 officers Ladies Club.

Nagbigay rin ng tulong medikal at dental ang grupo mula sa Camp Olivas, kung saan libre itong natanggap ng mga mamamayan doon.

Ayon sa regional director, asahan na ang mga kapulisan mula sa Gitnang Luzon ay mananatiling matatag upang panatilihing ligtas ang komonidad sa mga panahon ng sakuna o kalamidad, na handing tumulong para sa mga mamamayan.


(Spirit FM News)

Comments