PROPOSAL SA PAG BABAGO SA PAG RENEW NG SISTEMA SA PAG KUHA NG FRANCHISE NG TRICYCLE SA BAYAN NG BALER NAIPASA NA SA COMMITTEE ON WAYS AND MEANS

Naipasa na sa sa Committee on Ways and Means at Transportation, ang proposal para sa pag babago sa pag renew ng sistema hinggil sa pag kuha ng Franchise ng mga tricycle sa bayan ng Baler.

Sa proposed system na isinulong mga konsehal, gagawin ng 450 pesos ang registration fee kada tatlong taon.

Nagsagawa narin ng diskusyon o pag uusap ang joint committee hinggil dito at kasalukuyan paring pinag aaralan.

Kaugnay nito, mas mainam na tingnan ayon kay Baler vice mayor Karen Angara-Ularan, ang isyu na kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay nasa 70% lamang ang nag renew ngayong taon. At ito anya ay dahil sa pag papatupad ng batas sa pag huli ng mga kolorum na tricycle.

Naghain narin anya ng proposed amendment na ibalik sa MTFRB ang kontrol sa panghuhuli, ngunit ito ay patuloy na dinidinig pa sa SB Committee on Transportation.

Ang mga fees din anya na ibinabayad ng mga tricycle operators at drivers ay napupunta naman sa general fund ng LGU Baler.

Sa huli ayon sa  bise alkalde, ay kailangan na tulungan ang mga legal na tricycle operators na sumusunod sa tama at lumalaban ng patas.
(SPIRIT FM NEWS)

Comments