PROVINCIAL DIRECTOR DANILO FLORENTINO, NAGPASALAMAT SA PAGKAKAISA NG MEDIA AT KAPULISAN SA LALAWIGAN

Nagpasalamat si Provincial Director, Senior Superintendent Danilo Florentino sa pakikibahagi ng mga mamamahayag sa lalawigan, upang maging kaagapay ng kapulisan sa mga programa na nais iparating sa mga mamamayan.

Sa isinagawang pag pupulong nitong ika-27 ng Nobyembre sa Camp Ravina, Brgy Sabang, nagpakita ng kapwa pagkakaisa ang dalawag panig upang mas mabilis na maiparating ang mga adbokasiya,at makabagong programa ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Aurora.

Ayon sa Provincial Director, ito ay isang adhikain upang mas mapabilis na maiparating sa taong bayan ang mga isinusulong na programa ng kapulisan partikular sa usapin ng kapayapaan laban sa ano mang uri ng krimen sa lipunan, kung saan mabilis na malalaman sa pamamagitan ng Media.

Dagdag pa nito, isa lamang ang Lambat Simbat Program ng PNP,sa mga matagumpay na naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga mamamahayag.

(Spirit FM News)

Comments