RASYONG ANGKOP PARA SA MGA KABATAAN O RAB.. ISINUSULONG NG CASIGURAN PNP



Bilang suporta sa mga kabataan, isinusulong ngayon ng Casiguran PNP sa pangunguna ni Police Senior Inspector Jaime La Pena, ang programa sa mga kabataan sa pamamagitan ng pag tulong at suporta ng kapulisan sa nasabing bayan.

Ang RAB o “Rasyong Angkop para sa mga Kabataan” ay isa lamang sa mga proyekto ng ahensiya kung saan layunin nito ang pag sasagawa ng feeding program para sa pribado at pam publikong mga paaralan.

Itinuturo din sa mga munting mag aaral ang proper hygiene o tamang pag aayos at kalinisan sa katawan gaya ng tamang pag huhugas ng kamay, pag sesepilyo maging ang pagdarasal.

Ang nasabing gawain ay isinasakatuparan sa tulong at suporta ng Pamahalaang Bayan nito para sa mga kabataan.
(Spirit FM News)

Comments