SN LUIS PNP, PINANGUNAHAN ANG PANUNUMPA SA IKA 67TH UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS



Pinangunahan ni Police Inspector Floriano B. Garcia ang panunumpa sa ika 67th Anniversary of the Universal Declaration of Human Rights na isinagawa mismo sa harap ng Municipal Hall ng Sn Luis Aurora.

Matapos ang flag raising ceremony, sabay-sabay na nanumpa ang mga tauhan ng Sn Luis Pnp kasama ang mga kawani ng Pamahalaan bilang pakikibahagi sa National Human Rights Consciousness Week ngayong taon.

Ang gawain ay nag lalayong isulong ang mga karapatang pantao sa pamamagitan ng isang panata, bilang pag kilala sa isinusulong na karapatan ng bawat mamamayan sa pangunguna ng mga ahensiya ng kapulisan sa buong lalawigan.
(SPIRIT FM NEWS)

Comments