112 BOARD FEET NA KAHOY SA BAYAN NG SAN LUIS, KUMPISKADO SA ISINAGAWANG COMELEC CHECK POINT

Kumpiskado ang may 112  board feet na kahoy sa bayan ng San Luis matapos mag-sagawa ng COMELEC Check Point, para sa nalalapit  na Eleksyon 2016.

Kinilala ang may ari ng kahoy na si Ricky Marzan Residente sa Brgy Real San Luis Aurora, sakay ang Kawasaki Tricycle na nag-lalaman ng mga ibat-ibang uri ng kahoy.

Sa Pangunguna ni  PINSP Floriano Garcia at San Luis Election Officer Fernando Arthur   B. Yngente.

Ayon kay PINSP Garcia  hindi na pinalampas ng kanilang grupo ang mag pupuslit sana ng kahoy sa kanilang  bayan, ito naman aniya ang  unang pag kakataon na makahuli ang grupo ng pa mumuslit ng kahoy sa kanilang nasasakupan. Hindi naman aniya exempted ang mga nag pupuslit ng kahoy sa Comelec Check Point.  Bahagi din aniya ito ng pag labag sa batas na dapat sundin ng mamayan.

Payo naman nito sa mga nag sasagawa ng ilegal na pamumutol ng kahoy ay kanilang tigilan at hindi naman aniya lingid sa kaalaman ng lahat kung anu ang sanhi nito kung masisira ang inang kalikasan.

labis din ang pasasalamt nito sa mga nakiisa at tumulong sa check point na kina bibilangan ng Philippine Army at Kabalikat San Luis Chapter.


(Spirit FM News)

Comments