2 NALUNOD SA BALER AURORA NATAGPUAN NA

3 araw na nag palutang  ang 2 mag kapatid matapos salpukin ng alon habang seselfie sa sitio puntian brgy Zabali Baler Aurora.

Kinilala ang mga biktima na sina Richard Anderson Dela Cruz 28 taong gulang at Ricardo Dela Cruz 37 taong gulang  kapwa residente sa brgy campuz  sa bayan Talavera.

Ayon kay MDRRMO Officer Gabriel Llabe na una nang nakita ng tropa si Richard Anderson Dela Cruz bandang ala una diyes ng hapon, kahapon.  habang walang tigil namang  pinag hahanap  at agad ding nakita ang kaniyang naka tatandang kapatid. bandang alas 4:00 ng hapon.

Pahirapan naman aniya ang pag hahanap sa dalawang biktima nuong ika isa ng Enero dahilan sa malalakas na hampas ng alon at malakas na buhos ng ulan na naging dahilan na hindi nakapag hanap ang tropa sa karagatang sakop ng bayan ng baler.


Samantala mag bibigay naman ng tulong ang pamahalang bayan ng Baler sa pangunguna ni Baler Municipal Mayor Nelianto Pilot Bihasa sa iniwang pamilya ng dalawang biktima. 

(Spirit FM News)

Comments