7.5 MILYONG PONDO PARA SA HOUSING MATERIALS, IPINAG KALOOB SA BAYAN NG BALER



Nagpasalamat si Baler mayor Nelianto Bihasa, sa pag kakaloob ng  7.5 Milyong piso, para sa Housing materials Assistance Program, mula sa National Housing Athority. (NHA).

Ito ay naglalayong matulungan ang mga kababayan na labis na naapektohan ng nagdaang bagyong Lando sa lalawigan.

Sa pamamagitan nito,  ang nasabing halaga ay inilaan para makabili ng mga materyales na gagamitin, upang muling makapag patayo ng bahay , at maipamahagi sa mga mamamayan ng Baler.

Tinataya namang nasa 1,500 pamilya ang mapagkakalooban ng nasabing halaga para sa rehabilitasyon ng bahay.

Ang pag kakaloob ng cheke para dito, ay pinangunahan ni Treasury Department Manager Fe P. Valenzuela, ganoon rin ang pag susumikap ni Engr. Warlito C. Agres para sa nasabing  Housing Materials Program, at sa suporta ng mga konsehal ng Bayan sa pangunguna ni Konsehal Reynaldo Mapindan na siya ring nag sponsor sa nasabing resolusyon.
 (Spirit FM News)

Comments