BIKTIMA NG PAPUTOK SA LALAWIGAN NG AURORA MAS BUMABA KUMAPARA NUONG NAKARAANG TAON



Umabot naman ng Apat ang naputukan sa lalawigan ng Aurora sa pag salubong ng bagong taon ayon sa tala ng Department of Health dito sa lalawigan ng Aurora. 

Kinilala ang mga Biktima na sina Rafael Asadera 11 isang taong Gulang residente sa Tarlac City ,  Christian James Ascan 4 na taong gulang  Residente sa bayan ng Cabanatuan City, na kapwa na nasugatan habang nanunuod ng sinindihang Fountain dito sa Bayan ng Baler. 

Aksidente naman nahulugan ng stik ng kwitis si Fidel Ibenga 58 taong gulang ,na sanhi ng pag kasugat sa kanyang ulo, aksidente din na naputukan ng kwitis si Rick Pangatihon 48 taong gulang residente sa brgy paltik Dingalan aurora. 

Ayon kay Provincial DOH Officer, DR Lilia Pascua na mas bumaba ang bilang ng mga naputukan kumpara nuong nakaraang taon na may bilang na 10 biktima. 

Matatandaan na ayon sa tala ng DOH ay mas marami sa mga kabataan ang nagiging biktima ng patutok dahilan sa katigasan ng ulo.

(Spirit FM News)

Comments