CLIMATE CHANGE, KAYANG TUGUNAN AYON KAY VICE MAYOR KAREN ANGARA



Binigyang pansin ni Vice mayor Karen Angara na isa sa mga dapat pag tuunan ng panahon ay ang tamang pangangalaga sa kalikasan, dahil sa lumalalang usapin sa Climate Change o Pag babago  ng panahon.

Sa kanyang official site, nararanasan ang mga malalakas na bagyo, pag ulan at pag baha gaya halimbawa ng nangyari sa lalawigan dahil sa epekto ng hindi tamang pangangalaga sa kalikasan.

Anya, nararanasan ang mga kalamidad dahil sa patuloy na pagkasira nito pang aabuso at pag puputol ng mga punong kahoy sa kabundukan, kasama na ang illegal na mga gawain gaya ng pag uuling o kaingin.

Dahil dito, patuloy ang panawagan ng bise alkalde sa lahat ng mga mamamayan  na magsama-sama, mag tulong-tulong sa pag harap sa nasabing problema.

Dagdag pa nito, maaaring may masagasaan o magalit sa pagharap sa nasabing  usapin hinggil sa pag lutas at pag huli sa mga mapagsamantala sa kalikasan, ngunit dapat anya na sa kabuuan at kalagayan ng ating bayan at lalawigan, bansa at mundo ay dapat mapanatili ang kapakanan ng mas nakakarami lalo na sa usapin ng kaligtasan. 
(Spirit FM News)

Comments