COMELEC CHECK POINT SA LALAWIGAN NG AURORA SINUMULAN NA

Sinimulan na ngayong araw ang pag sasagawa ng Check Point sa mga lansangan sa lalawigan ng Aurora bilang pag hahanda sa nalalapit na 2016 Local and National Election sa pangunguna ni PNP Provincial Director PSupt Danilo Florentino.

Ayon kay Florentino na mas pinaigting ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng Check Point Operation dito sa lalawigan ng Aurora upang paghandaan ang nalalapit na pagpili ng mga mamumuno sa lalawigan.

Sa unang araw naman ng COMELEC Check Point ay Walang  naitalang  nakitaan o nagdadala ng Armas sa mga dumadaang motorista sa bawat check point dito sa lalawigan ng Aurora. Maliban sa bayan ng San Luis na kung saan nakumpiska ang  ilegal na pamumuslit  ng kahoy  na may bilang  na 112 board feet.

Sinabi pa ni Florentino na kasama ang bawat Election Officer kung magsasagawa ng Check Point sa isang bayan. Dapat din daw na may nakatalagang tropa ng Philippine Army sa bawat Check Point sa mga lansangan.


(Spirit FM News)

Comments