COMELEC CHECKPOINT ISINAGAWA SA BAYAN NG DINGALAN AURORA



Nagsagawa ng COMELEC checkpoint ang mga tauhan ng Dingalan PNP,  sa National Road Brgy Tanawan Dingalan Aurora, hinggil sa mahigpit na pag papatupad ng gun ban na may kaugnayan ngayong darating na May 9, 2016 National and Local Election sa buong bansa.

Dakong ika labing isa ng umaga kahapon araw ng Linggo, nakasama ng mga kapulisan sa pangunguna ni SPO4 Charles U. Cuaresma si COMELEC officer Eric Avellaneda, dalawang miyembro mula sa Philippine Army, MESPO, at mga  BPAT’s  o Brgy Peace Action Team.

Base sa resolusyon ng COMELEC,may mga guidelines na dapat sundin ang Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pag babantay ng mga Comelec checpoint para sa gun ban.

Kasabay ng nasabing gawain, namahagi rin ang kapulisan ng mga flyers hinggil sa Anti-Carnapping tips para sa mga motorcycle riders, gun ban flyers at calling cards upang kaagad na maiparating sa himpilan ng pulisya ang ano mang uri ng hinaing, sumbong o concern.

Isinagawa rin ang kahalintulad na mga aktibidad sa Brgy Poblacion at Caragsacan Dingalan Aurora.

Tumagal naman ang nasabing gawain ng isang oras.
(Spirit FM News)

Comments