FLYERS HINGGIL SA MANTI FENCING LAW, IPINAMAHAGI NG DINALUNGAN PNP



Nagsagawa ng pamamahagi ng flyers ang mga tauhan ng Dinalungan PNP, para sa mga mamamayan ng nasabing bayan hinggil sa Anti-Fencing Law at Anti-Robbery or Theft.

Layon ng nasabing gawain na mabigyan ng sapat na impormasyon ang publiko hinggil sa mga kaparusahan na kahaharapin sakaling tumangkilik o bumili sa mga nakaw na gamit o ano mang uri ng kagamitan.

Isinusulong ang nasabing kampanya ng kapulisan sa buong lalawigan, upang tuluyang masawata ang tumataas na bilang ng mga kawatan.

Isinagawa ang nasabing gawain sa Central Terminal Poblacion Zone 2, Dinalungan Aurora.
(Spirit FM News)


Comments