FOOD FOR WORK ISINAGAWA NG BRGY BUHANGIN BALER AURORA



Nagsagawa ng dalawang araw na gawain ang mga mamamayan ng Brgy Buhangin Baler Aurora para sa programang One Day Food For Work.

Nasa 150 na mga residente doon ang masuwerteng nabigyan ng pagkakataon para sa nasabing gawain.

Nagtulong-tulong ang mga ito para sa cleaning of brgy road, kung saan itinalaga ang bawat grupo para sa pag lilinis.

Kabilang sa mga assign area ng mga ito ay sa harap ng Baler public cemetery, at Gab-gab Tabon Rehabilitation road para sa pag tatambak ng mga kalsada,  na napinsala  ng nagdaang bagyo at pag baha.

Ang nasabing proyekto ay personal na kahilingan ng Brgy Buhangin mula sa Department of Social Welfare and Development Office DSWD Region 3.

Sa panayam ng Spirit Fm News kay Konsehal Tom Catipon, 6 na kilong bigas, corned beef, sardinas, at kape ang ilan lamang sa mga ipinag kaloob sa bawat isa.

Sa pangunguna ni Brgy Captain Philip Friginal, sama-samang nag repack ang mga kawani ng brgy para sa nasabing gawain.
(Spirit FM News)

Comments