FREE MASS WEDDING MULING ISASAGAWA NGAYONG BUWAN NG PEBRERO



Muling magsasagawa ng kasalang bayan ngayong darating na ika 4 ng Pebrero 2016.

Ito ay bukas para sa lahat ng mga nag nanais na magpakasal ng libre, na pangungunahan ni mayor Nelianto Bihasa.

Dahil dito, inaanyayahan ang lahat na mag tungo lamang sa tanggapan ng Municipal Civil Registrar ng Baler.

Maaari ring makipag ugnayan sa mga barangay officials na sakop ng bayan.
Ang nasabing gawain ay isinasagawa dalawa hanggang tatlong beses sa isang taon, kasama na ang pag kakasal din ng libre sa bawat brgy, na isa sa mga programa ng Pamahalaang Bayan ng Baler.
 (Spirit FM News)

Comments