GOV. GERRY NOVERAS, NAGBIGAY NG MENSAHE SA MGA EMPLEYADO NG PGA



Mag Trabaho tayo ng mas mahusay kaysa nuong nakaraang taon.
Ito ang binitiwang mensahe ni Governor Gerardo Noveras sa isinagawang Misa kahapon sa Capitol Compound Brgy Suklayin Baler Aurora.

Bilang pag Bukas ng Unang buwan ng Taong 2016 at unang pasok ng mga Kawani ng Gobyerno ngayong taong kasalukuyan.

Ayon pa sa Governador na alisin at kalimutan na ang hindi pag kakaunawaan, upang hindi maging sagabal sa trabaho,.hindi rin aniya siya mag sasawa sa pag hingi ng suporta, hindi naman aniya ito para sa pang sarili bagkus para sa mga mamayan ng lalawigan ng Aurora.

Pinasalamatan din nito ang mga bumati sa kanyang kaarawan nuong ika 3 ng enero taong kasalukuyan.
(Spirit FM News)

Comments