Isang daang libong pisong pondo, inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan para sa konstruksiyon ng waiting area ng AMH



Naglaan ng isang daang libong pisong pondo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora para sa konstruksiyon ng waiting area ng Aurora Memorial Hospital (AMH) sa Brgy Reserva Baler Aurora.

Ang nasabing proyekto ay bilang tugon sa mas maayos na lugar para sa mga pasyente, ganoon rin sa mga bantay ng mga ito habang nag hihintay.

Kasabay nito, labis naman na ikinagalak ng mismong head ng nasabing pagamutan Dr. Norma Palmero, ang pag sisimula ng pag sasaayos nito, dahil matapos lamang ang isang buwan ay kanila na itong mapapakinabanagan.

Sa ngayon, hiling lamang ng mga kawani ng nasabing pagamutan, na ingatan at panatilihing malinis ang nasabing pasilidad upang higit sa lahat ay maging kumportable itong gamitin ng lahat ng mga pasyente.
(Spirit FM News)

Comments