Isang Kabataang Babae Pinag hahanap matapos mag layas sa kanilang bahay



Pinag hahanap naman ang isang babae  matapos mag layas sa kanilang bahay sa brgy Dimanpudso Maria Aurora Aurora, 2 araw na ang nakalilipas. 

Kinilala ang kabataang babae na si Lean May Magahop 17 taong gulang residente sa nasabing brgy, na may pag kakakilanlan  na nakasuot ng Puting T-shirt na may tatak na 16 sa harap at sa likod. Naka leggings na kulay itim maikli ang buhok, at may peklat sa kanang bahagi ng baba at may taling sa pisngi, na syang pag-kakakilanlan.

Ayon sa panayam ng Spirit fm News kay Grace Magahop Danquel Ina ni Lean may Magahop na nuong umaga palang daw ng ika 16 Enero 2016 ay nag papaalam na ito sa kanya na mamasyal sa bahay ng kaibigan nito. Ngunit hindi niya pinayagan.

Dag dag pa ng Ina nito na nag paalam din sya sa kanyang Antie na Hindi rin Pinayagan.

Sinabi pa ni Grace na nag tampo ang kaniyang anak  kung  kayat nag layas at hindi na ito umuwi sa kanilang bahay mag pasahangang ngayon.

Ayon sa Tala ng World Health Organization (W.H.O) na may edad 15 to 21 taong ang karamihan nag kakaroon ng mabilis na pag tatampo kung hindi pinayagan sa isang bagay. 

Panawagan naman ng Magulang nito na Kung maari ay umuwi na sa kanilang bahay
(Spirit FM News)

Comments