ISUZU TRUCK TUMAGILID MATAPOS MAWALAN NG CONTROL

Tumagilid ang isang  ISUZU truck na may Plate # ZJT 703 sa Sitio  Dimutol  Brgy Dianawan Maria Aurora Aurora, matapos mawalan ng Kontrol ang sasakyan.

Kinilala ang Driver na si Carmelo Bugayong Bormejo 34 na taong gulang at ang sakay nitong si Angelo Dela Cruz Amansec 14 na taong gulang kapwa residente sa Brgy Gupa Dipaculao Aurora.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Maria PNP na tinangkang iatras ng driver ang sasakayan pababa ng bundok ng hindi inaasahang mawalan ng control,  sanhi ng  pagtagilid ito sa gilid ng kalsada.

Nag-tamo ng galos sa iba’t ibang bahagi  ng katawan ang sakay nitong si Angelo Dela Cruz at agad na dinala sa Aurora Memorial Hospital upang lapatan ng Pangunang lunas.

(Spirit FM News)

Comments