KAKULANGAN NG SINAGE SA GINAGAWANG TULAY SA BRGY DIKILDIT, DAHILAN DAW NG MADALAS NA AKSIDENTE



Kakulangan ng Sinage ang tinuturo ng mga Motorista sa Ginagawang Tulay sa Brgy Dikildit Maria Aurora Aurora, Matatandaan na nasira ang tulay bunsod ng makaranas ng malakas na buhos ng ulan sa lalawigan ng Aurora.

Ayon naman kay Ariel Saludo 50 taong gulang Residente sa Brgy Dikildit sa nasabing bayan na, may mga Sinage naman aniyang nakalagay sa lugar, Tinatanggal at Tinatapon sa ilog naman aniya ng mga hindi nakilalang mga kabataan ang mga nag sisilbing babala sa mga motorista pag sapit ng dilim. 

Ang ilang naman aniya ay hindi nag iingat sa pag mamaneho, mabilis at nawawalan ng control ang sasakyan sakaling matapat na aniya sa mga delikadong lugar.  karamihan daw sa mga na aaksidente  ay mga nakainom ng alak , ang  driver maging ang mga sakay nito. 

Payo naman nito sa mga motorista na maging maingat sa pag mamaneho, huwag din aniya sirain at tanggalin ang mga nag sisilbing babala para sa mga motorista upang maiwasan ang aksidente.
(Spirit FM News)

Comments