LALAKI DUGUAN MATAPOS SUMALPOK SA BATUHAN HABANG NAG MAMANEHO



Duguan nang natagpuan ang isang lalaki matapos salpukin ang mga nakatambak ng Bato sa tulay ng Brgy  Dikildit Maria Aurora Aurora.

Kinilala ang Biktima nasi Alex Pasagun dalawamput dalawang (22) taong gulang residente sa Brgy Cadayacan sa naturang bayan. 

Nagtamo naman ng Sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima. 

Ayon sa Inisyal na Imbestigasyon ng Maria Aurora PNP, habang binabaybay  nito ang kahabaan ng Maria Aurora to Baler Aurora Road ay hindi nito napansin ang nakatambak na bato malapit sa tulay na sanhi ng kaniyang pag kaaksidente.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang Biktima para mabigyan nang agarang lunas.
(Spirit FM News)

Comments