LALAKI PATAY MATAPOS MASAKSAK

Patay ang isang lalaki matapos  masaksak sa kanang bahagi ng  kili-kili sa Burgos Ext Brgy 5, Baler Aurora.

Kinilala ang Biktima na si Jason Pascua y Saavedra 26 na taong gulang Construction Worker residente sa nasabing lugar.

Ayon sa Inisyal na Imbestigasyon ng Baler PNP. Pinagbabato  di umano ng nagkalat na bahagi hallow blocks ang bubungan ng bahay na pagmamay ari  ni Mr Artemio Vanzuela y Romano Sr  56 na taong gulang at anak na si Ferdinad Vanzuela Villaruz 32 taong gulang kasal,  kapwa Tricycle driver. Agad namang lumabas ang mag ama at kinompronta ang biktima.


Wala naman na itong buhay ng isugod sa Aurora Memorial Hospital ayon sa nakatalang Doktor na si DRA Bautista.

Comments