LALAKING LUMABAG SA COMELEC CHECKPOINT, SINAMPAHAN NA NG KAUKULANG KASO

Sinampahan na ng kaukulang kaso nitong Lunes ang naarestong si  Joseph Salazar, residente ng Palanan Isabela, at kasalukuyang nakatira ngayon sa Ma. Aurora Aurora, makaraang mahulihan ito ng isang patalim nitong Sabado ng gabi sa bayan ng Baler Aurora.

Sa panayam ng Spirit FM News kay SPO2 Ryan Mercado kanina,dalawang kaso ang kinakaharap ngayon ng suspek kabilang na ang disobedient upon lawful order at violation of Comelec Resolution 100015.

Bago nito, sa pahayag ng PNP, sa pangunguna ni Police Inspector Sardel Jastiva ng Baler PNP, pinapahinto umano ang suspek ng mga tauhan ng PNP lulan ng kanyang motorsiklo, ngunit sa halip na tumigil ay tuloy-tuloy lamang ito sa pag takbo papalayo.

Dahil dito, kaya naman hinabol ito ng mga nakatalagang Comelec Checkpoint sa nasabing lugar.

Ng maabutan ng mga awtoridad, nakuha dito ang itinatagong patalim, kaya naman agad itong kinumpiska at ngayon ay nasa pag iingat na ng Baler PNP.

Sa ngayon sumasailalim na si Salazar sa inquest proceeding, at kasalukuyang naka piit ang suspek sa Aurora Provincial Jail.
(Spirit FM News)

Comments