Nalalapit na Election 2016, Pinag hahandaan na ng PNP ayon kay PSsupt Danilo Florentino

Nakatakdang  italaga ang 48 PNP Personel sa mga bayan  ng Baler, Dingalan at Maria Aurora Aurora na tinukoy ng PNP Region 3 na may maiinit na usapin sa Pulitka.

Ayon kay  PNP  Provincial Director PSsupt Danilo Florentino na mag tatalaga  na sila ng PNP Personel  sa mga nasabing bayan upang lalo pang mabantayan at mapag handaan ang nalalapit na Eleksyon sa Mayo 2016.

Palalagdain nila ang mga magkatungali sa Pulitko  para sa kasunduan na hindi mag kakaron ng sakitan habang papalapit ang araw ng halalan.
Mas Pinaigting  pa ng Comelec Check Point ng PNP, ang kanilang anti Criminality Campaign  upang maging maayos at mapayapa ang nalalapit  na Election sa May 2016.

(Spirit FM News)

Comments