AYUDA PARA SA MGA NASALANTA SA BAYAN NG DIPACULAO, WALA PANG NAIBIGAY



Umaalma  ang mga  Biktima ng bagyong Lando sa Bayan ng Dipaculao Aurora, dahilan sa wala pang natatangap na ayuda  ang mga may nasirang bahay nuong manalasa ang bagyong lando sa lalawigan ng Aurora, Problema daw nila ang malakas na tulo ng tubig sa loob ng kanilang bahay, kapag malakas ang buhos ng ulan.

Ayon sa naman kay Municipal Social Welfare ang Development Officer, Celestina A. Abellera. na nakapag pasa na sila ng kanilang Report nuong katatapos palamang ng bagyong lando, sa katunayan aniya marami pa ang natanggal sa listahan ng total at parcial Damage base sa Pamantayan ng Department Municipal Social Welfare ang Debelopment.

Marami daw  sa mga ito ay mga nag panggap na nasira ang bahay kahit pa ito ay kasalukuyang inaayos o dinaman kayay Kubo kubo sa tabi ng kanilang bahay. 

Wala panaman aniya silang alam kung kailan mai bibigay ang ayuda sa mga may ari ng mga nasirang bahay ,  Hinihintay parin aniya ng kanilang tanggapan ang pondo na mang gagaling sa tanggapan ng DSWD.
(Spirit FM News)

Comments