PAG DAGSA NG MGA COMMUTERS SA BALER CENTRAL TERMINAL, TUMAGAL LANG NG HALOS DALAWANG ARAW



Naging Normal naman ang Dami ng mga Pasahero sa Baler Central Terminal Kumpara nuong mga naraang araw.

Ayon kay Dispatcher Jun Cadukoy na, nakakatulong din aniya sa pag bawas ng mga Pasahero ang mga private Vehicle na  nag hahatid ng mga pasahero sa ibat ibang bayan. 

Mas marami parin aniya ang mga nang gagaling sa DICADI Area patungo dito sa bayan ng baler, kumpara sa mga paluwas sa Cabanatuan City,  karamihan naman aniya sa mga pasahero ay mga Studyante na galing pang nag bakasyon, 

Dag dag naman nito na maging agrisibo sa tuwing sasakay ng mga pag pasaherong mga sasakyan upang maiwan ang pag kawala ng mga gamit. pakaingatan naman aniya ang mga hawak na tiket habang nakasakay sa sasakyan. 

Isumbong naman  ang mga tiwaling mga Kundoktor sakaling maningil ng Sobra o di naman kaya ay maningil ng hindi nag bibigay ng tiket. 

palagi naman aniyang binabantayan ang mga mapag samantalang mga tindera na kung saan ang kanilang Modus ay mag rereserba ng upuan at pababayaran sa mga commuters na nakikipag siksikan sa mga kapwa pasahero maka uwi lang sa kanilang mga tahanan at maka balik sa kanilang mga trabaho. 

Umaalma din ang commuters  sa sira at malakas na tulo ng bubungan ng ng terminal kapag malakas ang buhos ng ulan, ilan daw kasi sa kanilang mga gamit ay na babasa pag malakas ang buhos ng ulan.

(Spirit FM News)

Comments